Inilabas ng organisasyon ng Miss Earth ang mga bagong set ng mga korona para sa pageant ngayong taon.
Ayon sa post ng beauty pageant organization, ginawa ng Long Beach Pearl, isang jewelry company sa Vietnam ang apat na bagong korona para sa Miss Earth at ang runners-up.
Sa isang post sa social media, sinabi ng kumpanya ng Long Beach Pearl na ginawa nila ang korona na may temang "Connected Diversity - For the Common Planet".
Gaganapin ang Miss Earth 2023 coronation night sa December 22 sa Saigon Exhibition and Convention Center.
Si Philippine bet Yllana Marie Aduana ay nasa kaniyang A-game mula nang magsimula ang pageant preliminaries. Nakapasok siya sa Top 5 Best Appearance at nanalo ng Miss Earth 2023's Best Bikini. Nagkamit din siya ng puwesto sa Top 12 Best National Costume category para sa kaniyang Maria Makiling inspired costume.