Walang outbreak ng ‘walking pneumonia‘ sa bansa.
Ito ang tiniyak nitong Martes ni Department of Health (DOH) Secretary Teodoro Herbosa kasabay nang pagsasabing bagamat dumarami ang mga kaso ng pneumonia ay wala pa namang outbreak nito.
Sa ganito umanong panahon nagsusulputan ang mga respiratory illness.
“Sa Philippines po, wala pang outbreak, according to our Epidemiology Bureau. Although marami ang cases because ito po talaga ‘yung season ng respiratory illness,” dagdag pa ng DOH chief.
Nabatid na ang ‘walking pneumonia’ ay isang mild bacterial infection na kahalintulad ng sipon na hindi naman umano nangangailangan ng bed rest o pananatili sa ospital.