Malungkot na balita lalo na sa showbiz industry.
Pumanaw na ang beterano at mahusay na aktor na si Ronaldo Valdez, noong Linggo ng gabi, ayon sa Quezon City Police District.
Halos limang dekada ang mahusay na aktor sa pelikula at telebisyon.
Kilala rin si Ronaldo, 77, sa pagiging versatile na artista dahil sa husay nitong pagganap bilang bida at kontribada sa mga pelikula.
Mayroong dalawang anak si Ronaldo – ang singer-actor na si Janno Gibbs at si Melissa Gibbs.
Huli siyang gumanap bilang ‘Lolo Sir’ sa isang TV series kasama si Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.