Iniulat ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa mga Pilipino ang mga naging tagumpay ng kanyang administrasyon at ang mga hamon na patuloy nitong hinaharap sa kanyang ikalawang State of the Nation Address (SONA).
"Last year, we emphasized certain strong headwinds that were confronting us along with the rest of the world in our post-pandemic economic recovery. And the biggest problem that we encountered was inflation," sinabi ni Pangulong Marcos.
Ayon sa Pangulo, maraming kaganapan sa mundo ang nakapag pagulo sa maayos na takbo ng pandaigdigang merkado, kabilang dito ang digmaan sa Ukraine at ang patuloy na epekto ng pandemya.
"Pinalala pa ito ng pagbabawas ng produksyon ng mga bansang pinagkukunan natin ng langis. Nang tumaas ang presyo nito, nagsunuran na rin ang presyo ng iba't ibang bilihin-- ang gasolina, ang kuryente, at ang pagkain. Ramdam sa buong daigdig, pati na sa Pilipinas ang naging pagtaas ng mga presyo ng bilihin noong mga nakalipas na buwan," ayon kay Marcos.
"Sinuri nating mabuti ang sitwasyon. Sa tulong ng ating mga ekonomista, nakapag balangkas tayo ng mga polisiya na magsisilbing pundasyon ng ating ekonomiya sa mga susunod na taon. Ito ay nakasaad sa ating Medium-Term Fiscal Framework na sinuportahan ninyo sa Kongreso. Kasabay nito ang paglulunsad ng mga estratehiya na mapalakas sa kakayahan ng ating mga kababayan at mga sektor ng ating ekonomiya," dagdag niya.
Sinabi ng Pangulo na nakakita siya ng mga magagandang resulta.
"While the global prospects were bleak, our economy posted a 7.6-percent growth in 2022—our highest growth rate in 46 years. For the first quarter of this year, our growth has registered at 6.4 percent. It remains within our target of 6-7 percent for 2023. We are still considered to be amongst the fastest-growing economies in the Asian region and in the world. It is a testament to our strong macroeconomic fundamentals," banggit ng Pangulo.
Nananatili din aniya na "strong and stable" ang financial system, na itinuturing niyang nerve center ng ekonomiya ng bansa.
"Banks, the transmission arms of our monetary policy, have strong capital and liquidity positions. Stimulated by the relaxation of pandemic restrictions, transactions once again have flourished alongside the booming e-commerce that was undeterred by the pandemic in 2022. The digital economy contributed 2 trillion pesos— the equivalent of 9.4 percent of our GDP. The economy is revived and rejuvenated, back-stopped by a favorable, enabling environment and the strong rule of law," paglalahad ni Marcos.
Ngayong taon, ang pagtatantya ng World Bank ay 6% ang overall growth rate.
"Well within the range of our targets for the year. It is anchored on strong local demand, underpinned by consumer spending, and draws strength from the BPO industry and, of course, the steady flow of remittances and the continuing jobs recovery," dagdag ni Marcos.
Gumagalaw din aniya ang inflation rate sa tamang direksyon. Mula 8.7% noong Enero, ang inflation aniya ay patuloy na gumagaan sa lahat ng rehiyon kung saan naitala sa 5.4% noong Hunyo.
"What this means is that in spite of all the difficulties, we are transforming the economy. We are stabilizing the prices of all critical commodities. According to the Bangko Sentral, inflation is expected to ease further by the close of the year and projected at 2.9 percent by 2024," ayon pa sa Pangulo.