Nakipag partner ang Bureau of Immigration (BI) sa Asian Development Bank (ADB) para sa anti-corruption and integrity training ng mga frontline BI personnel na nakadestino sa iba't ibang tanggapan ng ahensya.
Ayon kay Immigration Commissioner Norman Tansingco, layunin nito na pagtibayin ang integridad at natatanging serbisyo sa kawanihan.
“Our collaborative efforts with the ADB underscore the importance of partnerships in fortifying the Bureau's integrity and elevating service standards,” pahayag ni Tansingco.
Tiwala si Tansingco na sa pamamagitan ng pakikipag-alyansa at training initiatives, mapapalakas ang intergridad at kapabilidad ng mga kawani ng bureau.
Ang joint initiative ay mabigyan ng integrity seminars for government personnel ay bahagi ng programa ng BI at Corporate Services Department ng Government Relations Unit (CSIS-GR) at Office of Anticorruption and Integrity (OAI) ng ADB.