Bilang bahagi ng nagpapatuloy na NET25 Night Bazaar ngayong Disyembre, isang business seminar ang inilatag ng NET25 sa pakikipagtulungan ng Department of Trade and Industry (DTI), ngayong Biyernes, Disyembre 8.
Tinalakay ng mga kinatawan ng DTI ang iba't ibang paksa na makatutulong sa mga Pilipinong nagnenegosyo at mga nais magtayo ng sariling business.
![]() | ![]() |
![]() | ![]() |
Ang paksang Pagpaparehistro Ng Negosyo ay tinalakay ni Mr. Phillip Jason Roque. Ibinahagi naman ni Ms. Berlin Mabuna ang mga paraan kung 'Paano Palalaguin ang Negosyo Gamit ang E-Commerce.' Sa kaniyang pananalita, ibinalita naman ni Ms. Wea Bohol ang ginagawang 'Pagpapaigting sa Kakayahan ng mga MSME: Mula sa maliit na negosyo, patungo sa digital business.'
Tampok na panauhin sa business seminar si DTI Undersecretary Mary Jean Pacheco. Nagbigay din ng mensahe si NET25 President Caesar Vallejos.
Nagkaroon din ng pagkakataon ang mga dumalo na makapagtanong tungkol sa pagnenegosyo mula mismo sa mga representante ng DTI.
Isa sa mga adbokasiya ng programang Open For Business ng NET25 ang pagbibigay ng impormasyon sa mga MSMEs at aspiring entrepreneurs para makatulong sa kanilang pagnenegosyo.
Samantala, kamakailan ay isinabatas ang Internet Transactions Act, isa sa mga pinag-usapan sa seminar, na naglalayong makatulong na maprotektahan ang mga seller at consumer sa e-commerce industry ng bansa.
Abangan ang highlights ng isinagawang seminar sa Open For Business, Linggo, alas-9 ng gabi sa NET25.