Sugatan ang pitong katao makaraang mahulog ang sinasakyang van ng mga ito sa Maharlika highway sa bahagi ng Barangay Bagong Silang sa Calauag, Quezon, Miyerkules ng umaga.
Ayon sa Calauag Police, nawalan ng kontrol sa manibela ang driver dahil sa madulas na daanan sa Maharlika highway hanggang sa mahulog sa malalim na kaliwang bahagi ng highway ang kanilang sasakyan.
Sa ngayon ay ligtas na ang kalagayan ng mga biktima at kasalukuyang nagpapagamot sa ospital.