Inihayag ngayon ng Bureau of Immigration na lumobo ang bilang ng mga pasaherong dumating sa bansa para magdiwang ng holiday at Bagong Taon sa Pilipinas.
Ayon sa report ng BI, may kabuuang 161,664 ang dumating sa Pilipinas noong Sabado (December 23) at Linggo (December 24).
Sa nasabing bilang, sinabi ni BI Commissioner Norman Tansingco na 81 percent ng mga pasahero ay lumapag sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).
Noong December 23 hanggang December 25, inilahad ni Tansingco na 130,497 na pasahero ang umalis ng bansa.
Bago magkaroon ng COVID19 pandemic, nakapagtala ang BI ng 55,000 daily arrivals sa buwan ng December.
Noong December 2019 may average na 47,000 departures kada araw.
“International travel is not just on a rebound... Figures show that the number of travelers are almost surpassing pre-pandemic numbers. It's a cause for celebration for the tourism and international travel sectors,” pahayag ni Tansingco.
Una na ring nagpatupad ng mabilis at episyenteng proseso ang BI sa panahon nang pagdagsa ng mga paparating at paalis na pasahero.