Pinagtataga hanggang sa mapatay ang isang 4-anyos na paslit ng kanyang sariling ama noong Biyernes sa Kabankalan City, Negros Occidental.
Ayon sa Kabankalan Police, nangyari ang krimen dakong alas-11:30 ng tanghali sa Barangay Camingawan sa nabanggit na lungsod.
Nabatid na kasalukuyang kumakain ng tanghalian ang biktima kasama ang dalawa pang kapatid at 48- anyos na amang suspek nang biglang tumayo ang suspek at kumuha ng bolo.
Dito ay sinunggaban at pinagtataga ng suspek ang biktima habang ang dalawa pa niyang anak ay tumakbo para magtago.
Inaalam pa ng pulisya kung may problema sa pag-iisip ang amang suspek at nagawang pagtatagain ang anak.
Sinampahan na ng kasong parricide ang suspek.
Sinabi pa ng pulisya na minsan nang nakulong ang suspek nang martilyuhin ang kanyang misis dahil sa selos pero nakalaya dahil sa hindi humarap ang mga testigo.