Bahagyang tumaas ang kaso ng COVID-19 sa Metro Manila.
Ito ang nabatid sa OCTA Research Group kasabay sa paalala sa publiko na paigtingin ang pag-iingat at pagbabantay.
Ayon sa grupo, mula 7% positivity rate noong nakaraang linggo, naitala ito ngayong linggo sa 10%.
Ipinaliwanag pa ni OCTA Research fellow Dr. Guido David na ang positivity rate ay kapareho ng mga nakaraang pagtaas ng impeksyon, maliban nang tumama ang Omicron na naging napakalaki ng itinaas.
Ipinaliwanag pa niya na ang datos ay sa kabila ng kakaunti na ngayon ang mga aktibong COVID-19 testing centers makaraang bumaba na ang ang mga kaso sa bansa.
Pinangangambahan na muling umakyat ang bilang kung patuloy na hindi mag-iingat ang publiko.
Nitong nakaraang lamang nakapagtala ang Department of Health (DOH) ng 1,340 bagong kaso ng COVID-19 mula Nobyembre 28 hanggang Disyembre 4.