Indeed, a night to remember!
Bumida sa red carpet ang country’s biggest and brightest supertars ng TikTok sa #BestOfTikTokPH Creators Night 2023 na ginanap last Sunday, December 10 sa Rizal Park Hotel, Manila.
Pabonggahan sa kani-kanilang black and white avant-garde theme outfits, na nagrerepresent ng kanilang personalidad, istorya, at adbokasiya bilang isang content creator.
"[Cleaning] the runway, ems. inspired kasi ‘to sa mga content ko sa tiktok," pahayag ng TikTok influencer na si Spencer sa kaniyang IG post kung saan ibinida nito ang kaniyang dalang walis dahil sa ang kaniyang content ay halos patungkol sa childhood memories.
Siya rin ay binigyan ng “Comedy Creator of the Year” award sa TikTok Awards 2023.
Hindi naman nagpahuli ang one and only Marimar at Queen of TikTok’s Pricetag dance challenge na si Ms. Marian Rivera matapos masungkit nito ang “Breakthrough Creator of the Year” award.
Cool as ever naman ang pormahan ng Queen of the dance floor na si Niana Guerrero sa kaniyang swaggy ultra-stylish black ensemble sa #BestOfTikTokPH Creators Night ngayong taon.
Tampok din sa nasabing event ang iba pang mga kilalang influencers tulad nina Zeinab Harake, Meiko Montefalco, Mika Salamanca, at Rana Harake.
Narito rin ang Mobile Legends (ML) couple na sina Miss World Philippines 2013 Megan Young at Mikael Daez na nagpaningning ng gabi sa kanilang simple yet elegant black suit and dress.
Natapos ang event sa tinaguriang pambansang kanta ni JK Labajo, ang “Ere” kung saan sikat ang linyang “Tatlong bilyon ikaw lang ang aking gusto.”