Sa pagpanaw ng beteranong aktor, ay nagpost ang aktres na si Kathryn Bernardo ng ilang larawan kasama si Ronaldo Valdez kung saan nakasama niya ito sa huling teleserye na pinagbidahan nila ng dating nobyo na si Daniel Padilla.
Nakilala at tumatak sa viewers ang role ni Ronaldo Valdez bilang ‘Lolo Sir’ sa nasabing series kung saan kasama niya ang Kathniel.
Makikita sa mga larawan na super close sila ni Kathryn.
Ipinost din ng aktres ang isang video na kumakanta ang kaniyang ‘Lolo Sir’.
Tumatak din sa mga netizens ang pelikula nito kasama sila Aga Muhlach, Dingdong Dantes, Christine Reyes at Enrique Gil kung saan ginampanan niya ang role ng isang tatay na nagpanggap na may malubhang karamdaman upang muling makasama ang mga anak nito.
Umapaw naman ang pakikiramay mula sa iba’t ibang nakatrabaho ng aktor gaya na lang ni Dimples Romana, Gary Valenciano.