Anim na pasahero ng tricycle na galing sa party, ang nasawi ng masapol ng isang bus sa national highway sa Calbayog City sa Samar.
Sa ulat ng Calbayog City Police Station, ang mga nasawi ay sina sina Justine Arsenal, 20; Princess Mae Arsenal, 21; Trixie Roxas, 14; Lisa Luaton, 22; Richard Magcasi, 32; at si Lara Jane Lera, 15.
Naganap ang aksidente sa isang bahagi ng highway sa Barangay Matobato sa Castilla.
Hindi napansin ng driver ng “Chariot,” isang uri ng tricycle sa Samar na parang long-chassis jeepney ang itsura, ang isang sirang backhoe sa gilid ng highway kaya bigla niya itong iniwasan kahit na may kasalubong na bus kaya naganap ang aksidente.
Lima pang kasama nila ang malubhang nasaktan sa naturang aksidente na pawang kabataan sa edad 14- hanggang 20.