Ang paglago ng ekonomiya ng Pilipinas ang isa sa itinuturong dahilan ni National Economic and Development Authority (NEDA) Secretary Arsenio Balisacan kaya kabilang ang Pilipinas sa "best-performing economies" sa Asya.
"In the face of many domestic and international challenges, we have effectively implemented the appropriate strategies to sustain the economy's forward momentum," saad ni Balisacan.
Ayon kay Balisacan, ang gross domestic product (GDP) per capita ay nakabawi at nalampasan ang pre-pandemic level.
Karamihan sa mga sektor ay umabot na sa mas mataas na level kumpara sa kanilang pre-pandemic performance.
"While some sectors such as mining and quarrying, construction, transportation and storage, accommodation and food service, real estate, and other services have not yet fully recovered as of the end of the third quarter, this also implies that we can still look to these sectors as continued growth drivers of our economy, especially as we continue boosting efforts to promote tourism and ramp up the construction of major projects," ayon kay Balisacan.
Matatandaan na inaprubahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., NEDA Board chair, ang 197 infrastructure flagship projects na nagkakahalaga ng P8.7 trillion. Ang mga proyektong ay naglalayon na tugunan ang long-standing infrastructure deficits.
"By prioritizing the completion of vital projects like highways, bridges, airports, railways, ports, telecommunications, and other infrastructure, we will be able to significantly reduce the cost of doing business, expand market opportunities, especially for micro, small, and medium enterprises, and promote high-quality job creation and innovation," paglalahad ni Balisacan.
Samantala, iniulat ng Department of Finance (DOF) na nakapag-secure ang gobyerno ng ilang "grants at financing packages" para sa big-ticket infrastructure flagship projects.
Kabilang dito ang USD2.02 billion para sa North-South Commuter Railway Extension project, USD801.9 million para sa North-South Commuter Railway project (Malolos-Tutuban), USD1.07 billion para sa Davao Public Transport Modernization Project, at USD650-million Bataan-Cavite Interlink Bridge Project.
"This strong pipeline of projects, backed by the Philippine government and its development partners, continue to form the bedrock for the nation's continued development and economic expansion," ayon sa DOF.
Nilagdaan ni Pangulong Marcos noong Hulyo ang Republic Act 11954 o Maharlika Investment Fund (MIF) Act.
Ang paglikha sa MIF ay inaasahan na makakapagbigay sa pamahalaan ng karagdagang pamamaraan sa strategic investments sa mga lugar na mahalaga sa pag-unlad ng bansa.
Gagamitin ang MIF para mag-invest sa "wide range of assets" kabilang ang "foreign currencies, fixed-income instruments, domestic and foreign corporate bonds, joint ventures, mergers and acquisitions, real estate at high-impact infrastructure projects" na makapag-ambag na makamit ang "sustainable development."
Samantala, inaasahan na mas magiging maigting ang pagsisikap ng gobyerno para mapagtagumpayan ang paglago.
Sa 2024, target ng Development Budget Coordination Committee na makamit ang 6.5 hanggang 7.5% na GDP expansion.
Nangako ang NEDA na itataguyod ang mahahalagang batas sa policy advisory role nito at bilang secretariat ng Legislative-Executive Development Advisory Council.
"These forthcoming reforms are designed to optimize the utilization of limited and valuable resources such as land, minerals, and public revenues," saad ni Balisacan.
"The legislative measures addressing systematic challenges in particular sectors are intended to facilitate the development of industries and economic drivers that will create a more significant number of high-quality jobs, open up a variety of opportunities for our workers, and lead to sustained reductions in poverty and vulnerability in the future," dagdag na pahayag ng Kalihim.