Iniulat ng Department of Trade and Industry (DTI) na pumalo sa P4.019 trillion o $72.178 billion ang pinagsama-sama, pinagtibay at prinosesong investment mula sa foreign trips ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Sinabi ng DTI na ang mga investments na ito ay nasa iba't ibang stages, at ang halaga ay pinagsama-samang 148 na mga proyekto.
Ayon sa DTI, "investment promotion agency (IPA) registered with operations (US$205.53M or P11.4B), Business/IPA registered (US$983.21M or P54.75B) IPA registration in progress operations (US$5.079B or P282.8B), signed agreement with clear financial project value (US$9.771B or P544.152B), signed memorandum of understanding/letter of intent (MOU/LOI) (US$28.529B or P1.588T) and confirmed investment not covered by MOUs/LOIs and those that are still in the planning stage (US$27.345B or P1.522T)."
Masusing minomonitor ng DTI ang 20 proyekto na may go signal at rehistrado na sa IPAs, Board of Investments (BOI), at Philippine Economic Zone Authority (PEZA).
Karamihan sa mga investments sa naturang sektor ay "manufacturing, IT-BPM, renewable energy, data centers at telecommunications."
Kasama sa minomonitor ng ahensya ang business engagements sa pagbisita ni Marcos sa Tokyo, Japan para sa ASEAN-Japan Commemorative Summit.
Kabilang dito ang $263.08 million o P14 billion ng total value at siyam na investments sa kabuuang bilang ng mga proyekto.
Iniulat ng DTI na may tatlong nilagdaang kasunduan na may malinaw na financial project value na nagkakahalaga ng $85.07 million at anim na MOU/LOI na nasa $178.01 million.
Ang naging partisipasyon ng Pangulo sa Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) Leaders’ Meeting sa San Francisco, California ay kasama rin sa DTI monitoring, kabilang ang $672.3 million o P37.2 billion sa kabuuang halaga at anim na investments sa kabuuang bilang ng mga proyekto.