Isang 24-taong gulang na lalaki ang pumatay sa hindi bababa sa 14 katao, habang 25 katao naman ang sugatan sa pamamaril sa Charles University na kilala rin bilang University of Prague, sa Czech Republic ayon kay Czech police chief Martin Vondrášek, nitong Huwebes, Disyembre 21.
Ayon sa pulisya, unang binaril ng suspek ang kaniyang ama sa isang bayan sa labas ng Prague at pagkatapos ay pinagpatuloy nito ang pag-aalsa sa unibersidad.
Sinabi pa ng mga awtoridad na tinulungan nila ang mga mag-aaral na lumikas matapos magkulong ang mga ito sa silid-aralan sa kasagsagan ng pamamaril. Nagtago rin umano ang ilang estudyante sa pasamano ng gusali para lang makatakas sa pag-atake.
Kinansela na ang lahat ng mga kaganapan sa unibersidad habang ipinatutupad ang mas mahigpit na seguridad dahil sa pangyayari.