Mangyayari na ang Philippines’ historic event sa December 14, 2023, ang 8th edition ng Asia Artist Awards (AAA) na gaganapin sa world’s largest indoor arena- Philippine Arena.
Ang Pilipinas ang nakatakdang mag-host ng isang landmark event sa mundo ng Asian entertainment:
Ito ang unang pagkakataon na gaganapin ang AAA sa Pilipinas, isang patunay na pagmamahal ngmga Pinoy sa K-culture at ang kahalagahan nito sa global entertainment landscape.
Kilala ang Asia Artist Awards sa pagbibigay-pugay at pagdiriwang sa mga tagumpay ng mga mahuhusay na artists sa industriya ng entertainment sa Asia.
Inaabangan ng mga fans mula sa iba’t ibang panig ng mundo ang performances ng iba't ibang artists, kabilang ang NewJeans, LE SSERAFIM, SEVENTEEN's BSS, ZEROBASEONE, BOYNEXTDOOR, Stray Kids, ITZY, THE BOYZ, NMIXX, Kwon Eunbi, Kep1er, SB19, Dreamcatcher, KARD, AKMU, &TEAM, Lee Youngji, STAYC, Ash Island, at marami pa.
Kasama rin sa lineup ang mga bituin mula sa China at Japan gayundin ang mga Filipino artists gaya nina SB19, Ben&Ben, HORI7ON, Kathryn Bernardo, Daniel Padilla at Melai Cantiveros.
Bukod pa rito, dadalo rin ang mga kilalang aktor ng K-drama tulad nina Ahn Hyo-seop, Kim Seon-ho, Kim Se-jeong, at Moon Ga-young.
Ang Asia Artist Awards ay inorganisa ng STAR NEWS, TONZ ENTERTAINMENT, at PULP Live World.
Kadalasang tina-tag bilang Oscars at Grammys of Asia, isa itong event ng Asian talents at pagpapakita ng pagiging creative ng mga artists, producers, directors, at celebrities.
itinatag noong 2016 ng South Korean business newspaper na Money Today, kasama ng mga global media giants na MTN at StarNews, pinararangalan ng AAA ang pinakamahuhusay na artists at celebrities sa pelikula, music, telebisyon, at digital.
Kabilang sa mga awardees nito ay ang mga K-pop legends na BTS at EXO, gayundin ang trot singer na si Lim Young-woong, at mga aktor na sina Lee Jung-jae at Lee Seung-gi.
Ang Hallyu personalities na sina Park Bo-gum at Im Yoon-ah ay kabilang sa mga unang nakatanggap ng prestihiyosong Asia Star Award.
Huwag palampasin ang much-awaited event na ito na magaganap sa Philippine Arena, i-click ang LINK na ito para makabili ng mga ticket.
Para sa karagdagang mga inquiries at update, mangyaring bisitahin ang official WEBSITE ng PULP Live World sa social media sa @pulpliveworld at ang social media pages ng NET25.