Sa kauna-unahang pagkakataon, gaganapin sa Pilipinas ang tinaguriang Oscars at Grammys ng Asia – ang Asia Artist Awards. Muling sasandal ang bansa sa laki at ganda ng Philippine Arena, ang pinakamalaking mixed-use indoor arena sa buong mundo.
Daan-daang K-pop at K-drama stars ang magpapaningning sa Philippine Arena sa Disyembre 14, 2023. Ayon sa local organizers, ito ang magiging pinaka-engrande at pinakapag-uusapang season sa kasayaysan ng AAA.
Inanunsyo na ang mga hosts ng AAA 2023 na sina Kang Daniel, Jang Wonyoung ng IVE, at Sung Hanbin ng ZEROBASEONE.
Inaasahang dadalo ang rookie groups na LE SSERAFIM, NMIXX, NewJeans, BOYNEXTDOOR, at ZEROBASEONE.
Abangan ngayong Setyembre ang mga detalye kung paano makakabili ng tickets ang fans.