Suportado ni Senator JV Ejercito ang panawagan ng mga transport groups na bigyan sila ng extensyon para sa PUV Modernization Program.
Pabor si Ejercito na bigyan ng tatlo hanggang limang taon na extension ang mga transport groups.
Para sa senador, mahalagang tapusin muna ng gobyerno ang mga proyekto para sa mass transportation bago obligahin ang mga jeepney operator at driver na sumunod sa PUV Modernization Program.
Kabilang sa makakatulong sa mga commuters sa Metro Manila ay ang Metro Manila Subway na kasalukuyan ng ginagawa.
Ayon kay Ejercito, sa panahon ng extension ay pag-aaralan ang lahat kung paano maipapatupad ng 100 percent ang PUV Modernization Program.
Nauna nang inanunsyo ng DOTr na wala nang extension ang December 31, 2023 na deadline para sa consolidation ng mga jeepney driver at operator.