Nagsagawa ng operasyon ang Manila Police District (MPD) kahapon sa Divisoria, Maynila kung saan pinagkukumpiska ang mga ilegal at naglalakasang paputok na ibinebenta rito kaugnay sa pagsalubong sa Bagong Taon.
Kabilang sa mga nakumpiskang paputok ng mga tauhan ng MPD Meisic Station 11 ay ang mga ipinagbabawal na bawang, five-star, piccolo, at pla-pla.
Ayon sa pulisya na patuloy nilang imomonitor ang bentahan ng iligal na paputok sa paboritong destinasyon ng mga murang bilihin pamasko at pam-bagong taon.
Samantala, mahina pa rin ang bentahan ng torotot at mga bilog na prutas kahapon. Inaasahan na tataas ito sa Disyembre 30 at kasabay nito ang pagtaas ng mga presyo, ayon sa mga vendors sa Divisoria.