Dumalo si Education Secretary at Vice President Sara Duterte sa ikalawang State of the Nation Address ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ngayong Lunes, Hulyo 24 sa Batasang Pambansa.
Ayon sa Office of the Vice President, hango sa Bangala na ipinares sa trouser at flowing inaul o malong na dinesenyo ng Cotabato-based designer na si Israel Ellah Ungkakay.
Ang Inaul o malong ay isang Maguindanao fabric na masusing hinabi gamit ang cotton at silk.
Ang mga aksesorya ng Bangala ang sumisimbolo sa likas na yaman at mayamang kultura ng Mindanao.
Kitang-kita ang mga pagbabago sa kasuotan ng mga dumalo sa SONA ni Pangulong Marcos Jr. Mula sa dating floral at makukulay na gowns at barong, marami na ang nagsuot ng mga tradisyunal na Filipiniana dress at barong.