Pagkatapos ng mainit na usapang hiwalayan, muling nagsama sa stage ang #Kathniel. Ito ay matapos dumalo si Kathryn Bernardo at Daniel Padilla sa Asia Artist Awards (AAA) 2023, kagabi na ginanap sa Philippine Arena.
Tinanggap ng young Pinoy superstars ang Fabulous Award ng AAA. Kasamang pinarangalan ng award ay ang K-pop girl group na NewJeans, Stary Kids at si Lim young-woong.
"I want to take this opportunity to thank everybody for supporting Filipino-made series and movies. Patapos na ang taon but I'm feeling so blessed. I'm sharing this award with all of you. Maraming, maraming salamat po," ani Kathryn na hindi makapaniwalang nanalo ng prestihiyosong award.
Short and sweet naman ang message ni Daniel.
“Thank you sa AAA. Maraming salamat sa inyo.”
Super kinilig ang mga fans na nasa loob ng Philippine Arena, nang sabay na dumating ang ex-lovers.