Lalong pinalalakas at pinagaganda ng NET25 ang mga content na pinalalabas nito para sa mga loyal na tumatangkilik ng kanilang mga programa.
Sa pagre-new ng contract ng award-winning at batikang mamamahayag at TV host na si Ms. Korina Sanchez-Roxas sa NET25, siguradong kaabang-abang ang mga episodes ng programang “Korina Interviews” na pinalalabas na rin sa nasabing network.
Present sa contract signing ceremony si NET25 President Caesar Vallejos at NET25 Consultant Wilma Galvante.
Kamakailan lang ay pumirma rin ng kontrata sina Empoy Marquez, Alessandra de Rossi at si Diamond Star Ms. Maricel Soriano sa NET25.
Kaya mga ka-NETizens laging sumubaybay sa mga programa ng NET25 at i-follow at magsubscribe sa mga official social media pages nito sa Facebook, Instagram, Tiktok, X (dating Twitter) at Youtube.