Patay ang isang katutubong Mangyan matapos masagasaan ng dump truck na bumangga sa isang gusali sa National Highway, Brgy. Taysan, San Jose, Batangas nito lamang Lunes, Disyembre 18,2023.
kinilala ang biktima na si Bay-in Yun-im, 36, at residente ng Bongabong, Oriental Mindoro.
Sa pahayag ng imbestigador na si PSSg. Alfonso De Castro Jr., binabaybay ng Howo dump truck ang kahabaan ng highway patungong Batangas City nang bigla nitong kinain ang kabilang linya dahilan para kaniyang mabangga ang kaliwang bahagi ng kasalubong na boom truck na minamaneho naman ni Allan Laguna Y. Parangalan, 49, at residente ng Muntinlupa City.
Tumakas naman ang hindi pa nakikilalang driver ng dump truck.