“Motherhood is bringing a lot to the surface,” ani Iza Calzado.
Ipinanganak ng mahusay na aktres ang kaniyang first baby na si Deia last January.
Kwento ni Iza sa kaniyang guesting sa ‘Korina Interviews’, hindi naging madali ang kaniyang pregnancy. Bukod sa 40 taong gulang na siya, na-diagnose rin siya ng isang rare parasitic disease na Toxoplasmosis kung saan kinailangan niyang magpagamot sa United Kingdom.
“For the first time in my life, I felt a very primal urge to fight, not only for myself, but for another human.”
Mula sa broken family, si Iza ay anak ng celebrity choreographer na si Lito Calzado at ang kaniyang ina ay Half Irish-Canadian-Spanish na born and raised sa Bicol.
Lumaki man si Iza nang hindi buo ang pamilya, hindi ito nakasira sa kaniyang pangarap na magkaroon ng isang buo at masayang pamilya.
Napangasawa niya si Ben Wintle na isang half British, half Pinoy. Ikinasal sila noong December 2018.
“I have a partner who understands me.”
Panoorin ang buong panayam kay Iza Calzado sa Korina Interviews - https://www.youtube.com/watch?v=LG1QYltwIBI