Save the date!
Magkakaroon ng grand homecoming parade si Miss Universe Philippines Michelle Dee sa darating sa December 10.
Gaganapin ito sa isang mall sa Pasay City na magsisimula ng alas-4 ng hapon.
Sinabi ng Miss Universe Philippines,magiging masaya ang homecoming dahil may mga special guests at fun activities ang inihanda nila lalo na para sa mga fans ni Michelle.
Nakauwi ng bansa si Michelle last November 25 pagkatapos nitong magtapos sa Top 10 ng Miss Universe 2023.