Naging mainit ang pagtanggap ni NET25 President Ceasar Vallejos Regal Entrertainment Inc. dahil sa suporta nito sa kauna-unahang pelikula ng NET25 na “Monday First Screening.”
Ito rin ang magiging umpisa ng karera sa panibagong mundong tatahakin ng network partikular sa film industry.
At bilang suporta ng NET25 sa film industry sa bansa, magsasanib pwersa ang NET25 at Regal Entertainment Inc. para sa theatrical distribution ng”‘Monday First Screening.”
Labis naman ang pasasalamat ng Regal Entertainment Inc. Chief Operations Officer Ms. Roselle Monteverde dahil sa ibinigay na tiwala ng NET25 Management sa kanila.