Marvel at the stars who are set to shine even brighter next year!
Ipinakita ng NET25 ang kaabang-abang na mga programa ng network sa isang grand trade event na ginanap sa EVMCC, Central Avenue Quezon City noong Friday, September 29, 2023.
Dinaluhan ng brightest stars, media agency partners, advertisers, VIPs, at NET25 management ang unang trade event ng NET25 simula noong pandemic.
Hosted by KC Montero and Ms. Pia Guanio-Mago, ipinakilala ng network ang trade mark nito na pagiging family-oriented, wholesome, entertaining, informative at credible.
“NET25 is the ideal home for your brands. We Our existing shows and upcoming programs for the last quarter of 2023 and 2024 are carefully produced and curated to be family-friendly, embodying our commitment to being a General Entertainment channel – wholesome and enriching for all,” pahayag ni NET25 President Caesar Vallejos.
“Let’s Net-Together sa NET25”, kapansin-pansing pinagsama-sama ng NET25 ang mga artists at celebrities mula sa lahat ng sulok ng industriya.
All-out support naman ang mga NET25 brightest stars, news anchors, artists at maging mga aabangang fresh faces sa showbiz industry sa Grand Trade Launch ng network para ipakilala ang mga programa na aabangan at patuloy na susuportahan ng ka-NETizens.
Present ang mga mahuhusay at mapagkakatiwalaang news anchors ng NET25 – Alex Santos, Rey Langit, Rikki Mathay, Nina Ricci Flores, Emma Tiglao, Gianna LLanes, Wej Cudiamat, Gen Subardiaga at Nelson Lubao.
Nakilala na rin ng advertisers, clients at sponsors ng network ang talented at fresh faces members ng “Star Kada”, first-ever NET25’s talent arm kung saan si Direk Eric Quizon ang head nito.
Dumalo rin ang mga naglalakihang pangalan sa industriya gaya nina Sen. Robin Padilla (“Unlad: Kaagapay sa Hanapbuhay), Ms. Korina Sanchez (“Korina Interviews”), former Senator Tito Sotto (“Realty Check”), Ara Mina (“Magandang ARAw”), cast ng “The Good Will” na sina David Chua, Smokey Manaloto, at Regine Angeles, hosts ng “Love, Tonipet and Everythaaang” na sina Tonipet Gaba at Love Añover at ang gorgeous and fab hosts ng “Kada Umaga”, Emma Tiglao, Daiana Menezes and Pia Guanio-Mago.
Talagang makikipagsabayan na ang NET25 pagdating sa paggawa ng mga dekalibreng programa. Dahil ipinakilala na ang mga aabangang shows nila Alessandra de Rossi at Empoy Marquez (“May 4 Ever”), at ng Quizon brothers – Eric, Epy at Vandolph kasama ang nag-iisang diamond star Ms. Maricel Soriano (“3-in-1”).
Bukod sa pagpapakilala sa mga programa at bagong shows ng NET25, inabangan din ng mga bisita ang bonggang special raffle prizes gaya ng cash at ang brand new car!
All in all, ang Grand Trade Launch ng NET25 ay isang treat para sa lahat ng mga advertisers, sponsors, clients, fans at viewers.