Sa sobrang excitement, tiniyak ng ilang mga movie fans na isa sila sa unang pipila at makakabili ng ticket para makapanood ng pinag-uusapang senior romantic comedy film ni Ms. Gina Alajar at Mr. Ricky Davao, "Monday First Screening."
Magkakasamang nanood ang magkakapamilya, barkada, ka-trabaho na kahit masungit ang panahon ay hindi sila nagpapigil na sumugod sa sinehan na ito sa Quezon City para mapanood ang nakakakilig at heartwarming movie ng NET25 Films.
Hindi lang para sa mga nanay, tatay, lolo at lola ang nasabing pelikula, siguradong luluha at tatagos sa puso ng lahat ang istorya ng pelikula.