Raise your flag!
Halos hindi magkarinigan dahil sa hiwayan ng fans nang magperform ang P-pop superstar na SB19 sa Asia Artist Awards 2023 na ginanap sa Philippine Arena, Huwebes, December 14.
Itinanghal ng grupo ang kanilang hit songs na "Mana," "Bazinga," "Crimzone" at ang sikat na sikat na "Gento" kasama ang &Team, isang multinational boy band na nakabase sa Japan at South Korea.
Nakisayaw at nakikanta ang libu-libong fans sa viral hits na “Gento” at “Crimzone”.
Hindi naman makapaniwala sila Pablo, Josh, Stell, Ken, at Justin (SB19) na makakapag-uuwi sila ng dalawang parangal mula sa Asia Artist Awards – Best Artist (Singer) at Hot Trend award.
Kasamang nanalo ng SB19 ang Korean acts na Akdong Musician (AKMU), The Boyz, ITZY, IVE at Le Sserafim ng Best Artist (Singer) Award, habang ang K-pop group na NewJeans, soloist na si Lim Young-woong, at actors na si Ahn Hyo-seop at Lee Junho ay nag-uwi rin ng Hot Trend Award.