Pumanaw na ang isa sa mga sikat na basketball player ng bansa na si Samboy 'Skywalker' Lim sa edad na 61.
Ipinahayag sa isang Facebook post noong Disyembre 23 ang tungkol sa kaniyang pagpanaw.
Si Samboy Lim ay miyembro ng PBA's greatest players at nagkamit ng siyam na kampeonato, kabilang dito ang Grand Slam championship.
Naglaro siya sa PBA mula taong 1986 hanggang 1997.