Inilabas na ang ticket prices at seat plan para sa 2023 Asia Artist Awards (AAA).
Ayon sa Pulp Live World, uupo sa pinakamalapit na stage ang mga artists at sponsor. Habang ang mga ticket para sa audience ay mula P3,000 para sa UBC Generic hanggang P25,000 para sa LBA VIP.
Narito ang ticket price list:
UBC Generic – P3,000
UBC Regular – P3,500
UBC Premium – P4,500
UBB Regular – P6,500
UBB Premium – P7,500
UBA Premium – P11,500
LBB Regular – P13,500
LBB Premium – P15,500
LBB VIP – P17,500
LBA Premium – P20,500
LBA VIP – P25,000
Ang AAA ay isa sa pinakaaabangang musical event sa Pilipinas ngayong taon. Ito ang unang pagkakataon na magho-host ang bansa ng prestihiyosong event.
Gaganapin ang musical event na ito sa world’s largest indoor, ang Philippine Arena na matatagpuan sa Ciudad de Victoria sa Bocaue, Bulacan sa December 14.
Nauna nang inanunsyo na kumpirmadong pupunta ang NewJeans, LE SSERAFIM, ZEROBASEONE, NMIXX, Boy Next Door, EXO's Suho, Stray Kids, THE BOYZ, ITZY, Kwon Eunbi, &TEAM, SEVENTEEN's BSS, at marami pang iba.
Ang P-Pop kings SB19 ay nakatakda ring magperform.
Darating din ang mga K-Drama actors na sina Kim Seon Ho, Ahn Hyo Seop, Kim Se Jeong, at Moon Ga Young.
Sina Kang Daniel, Jang Wonyoung ng IVE, at Sung Hanbin ng ZEROBASEONE ang magiging host ngayong taon.