Huge success ang katatapos lang na Asia Artist Awards 2023 na ginanap Philippine Arena, Thursday December 14. Ito ang kauna-unahang pagkakataon ng Pilipinas na mapili upang magsama-sama ang naglalakihan at nagniningning na mga pangalan sa K-pop at Asian entertainment world.
Damang-dama ang K-fever in the Philippines sa pagrampa ng mga pinupusuang K-pop idols at Asian artists sa Asia Artist Awards 2023. Ilan sa mga Asian artists na rumampa sa red carpet ng AAA ay ang hosts na sina Kang Daniel, IVE’s Jang Wonyoung, at ZEROBASEONE’s Sung Hanbin. ZEROBASEONE, &TEAM, girl group na NewJeans, ITZY, LE SSERAFIM, Dreamcatcher, STAYC, THE BOYZ, LUN8, Lapillus, BSS (SEVENTEEN), ONEUS, Kep1er, NMIXX, Sakurazaka46, KINGDOMM, BOYNEXTDOOR, ATBO, TEMPEST, WHIB, KARD, AKMU.
Tinilian ng fans nang pumasok na sa red carpet ang ilan sa mga K-drama stars: Lee Jun-Ho, Ahn Hyo-Seop, Kim Seon-Ho, Kim Se-Jeong, SUHO, Moon Sang-Min, Ahn Dong-Goo, Lee Jun-Young, Lee Eun-Saem, Jung Sung-Il, Cha Joo-Young, Kim Ji-Hoon, Moon Ga-Young, Lee Jun-Hyuk, Kim Young-Dae, Lim Young-Woong, Lee Dong-Hwi, Kim Jae-Joong
Siyempre tampok din ang iba pang celebrity sa Asia tulad ng mga Pinoy: HORI7ON, SB19, The cast of Ma’am Chief, Ben&Ben, Melai Cantiveros-Francisco, Ace Banzuelo and Young Cocoa, KAIA and 4th Impact.
Pinasaya ng sarili nating oppa na si Ryan Bang ang red carpet event bilang host nito. At hindi rin nito napigilan na magpaka-fan nang makitang pumapasok na ang mga iniidolong K-pop stars.
Libu-libong K-pop fans ang umattend sa pinakamalaki at prestihiyosong musical event na ito sa Asia.