May bagong aabangan sa NET25.
Ito ang "Road To Starkada".
Ang “Road To Starkada” ay isang daily talent-reality tv show na kinabibilangan 33 young and aspiring artists na kilala bilang mga Starkadas.
Ang show ay magdodokumento ng kanilang journey to stardom.
Mula sa auditions, workshop, weekly challenges na ibibigay sa kanila para subukan ang kanilang adaptability bilang mga artista at ang kanilang camaraderie at teamwork bilang isang grupo.
Sa bawat episode, masasaksihan ng mga manonood ang iba't ibang talento na ipapamalas ng starkadas at ang pagsisikap ng mga ito para matupad ang kanilang pangarap na makilala sa mundo ng entertainment.
Mapapanood ang "Road To Starkada" sa NET25, Lunes hanggang Biyernes, 5:30 p.m - 6:00 p.m.
Abangan ang inyong paboritong NET25 Starkada artists sa December 18 na 'yan.