Inaabangan na ng Filipino fans ang magiging performance ng P-pop sensation na SB19 sa Asia Artist Awards 2023 (AAA) first-ever at historic event para sa Pilipinas, na gaganapin sa Philippine Arena, Bocaue, Bulacan , next week December 14.
May special collaboration ang SB19 kasama ang &TEAM, Hybe’s boyband na nakabase sa Japan at South Korea.
Tatakbo ng mahigit 6 hours ang programana katatampukan ng nasa 100 songs mula sa iba’t ibang Asian artists gaya ng BSS ng Seventeen, na ipe-perform ang kanilang single na "Fighting," featuring Lee Young-ji.
Si Kang Daniel ang magiging host ng pinakamalaking musical event ng taon.
Kasama sa iba pang performers ang Ash Island at si Paul Blanco.
Magsisimula ang AAA red carpet ng 1 p.m. (Korea time), habang ang pinaka main event ay magsisimula ng 3 p.m.