Magbabalik sa bansa para magsagawa ng concert ang British band na Coldplay.
Ayon sa promoter na Live Nation Philippines, na gaganapin sa Enero 19, 2024 ang concert sa Philippine Arena.
Kasunod ng successful at sold out concert ng Coldplay noong Nobyembre 2023 sa Asia/Australia, inanunsiyo ng banda ang second run ng Asia tour para sa January at Febuary 2024, bilang bahagi ng kanilang record-breaking na Music Of The Spheres World Tour.
Kasama dito ang 2-night concert na gaganapin sa Philippine Arena.
Mula nang Music Of The Spheres World Tour noong Marso 2022, nakapagbenta ang British band ng mahigit pitong milyong tickets. Nakatanggap din ng mga magagandang review mula sa mga fans at mga kritiko ang naging shows ng Coldplay. Maging mga parangal kabilang ang Favorite Touring Artist sa 2022 AMAs at Tour of The Year sa 2023 iHeartRadio Awards.
Nagsimula na silang magbenta ng tickets last June 20.
Ganoon kabilis ma-sold out tickets ng first night concert ng Coldplay sa January 19, 2024.
Mabibili ang Music Of The Spheres World Tour tickets sa smtickets.com at SM Tickets outlets!