Libu-libo na ang nakapanood ng pinag-uusapang pelikula ng NET25 Films, ang “Monday First Screening.”
Sa unang araw ng pagpapalabas nito sa mahigit 100 na sinehan sa buong bansa, pinatunayan ng pelikulang ito na kayang-kayang makipagsabayan ng isang wholesome, family-movie sa mga foreign at local films.
Gaya ng movie review ng pahayagang Manila Bulletin, anila, “It gives us pride that a Filipino film is getting recognition and patronage from Filipinos over foreign films.”
Marami rin ang humanga sa move na ito ng NET25 Films na imbes na magstick sa usual plot o storyline na ang mga bida ay mga batang artista at kumuha ng mga sikat na love teams, mga senior citizens ang bumida sa pelikulang ito na ginawa ng director na si Benedict Mique.
Sinabi ni NET25 President Caesar Vallejos na patuloy na gagawa ang network ng mga wholesome at family-friendly na mga palabas.
“We believe that with the power of film, we can communicate our vision to be the family-friendly network in the Philippines, providing wholesome, general entertainment for the entire family,” pahayag ni Vallejos.
Kaya hindi mapagkakaila na dinagsa sa mga sinehan ang ‘Monday First Screening’ ng pami-pamilya, magkakaibigan, magkaka-opisina at magbabarkada dahil sa unexpected at unique storyline nito.
Sino’ng mag-aakala na kayang magpakilig ng mga artistang gaya nila Ricky Davao (as Bobby) at Gina Alajar (as Lydia) bilang mga lead characters sa pelikula.
“I was genuinely touched and moved by its simple story of two adults desiring a second chance for love and companionship. There was no OA drama, the dialogue was realistic, and for two hours I laughed, cried, empathized with the characters, and even felt “kilig” for them,” reaksyon ng TV host at columnist na si Pat-P Daza pagkatapos mapanood ang pelikula.
Sinabi ng isang movie critic ng pahayagang Daily Tribune na si Steph Mayo na ang “Monday First Screening” ay hindi kagaya ng mga usual romantic-comedy Hollywood movie na napanood na.
“The packed theater was thoroughly engaged, frequently erupting in laughter and applause, and loudly gushing at the “kilig” scenes — indicating that Filipino audiences can still appreciate wholesome entertainment if it’s smartly written,” dagdag pa ni Mayo.
Ayon sa Lionheartv.net, “‘Monday First Screening’ stands out as a film that bridges generational gaps, encouraging meaningful conversations and shared experiences among family members.”
Napukaw ng NET25 Films ang puso ng mga manonood, kitang-kita sa napakaraming comments sa social media mula sa mga netizens na nakapanood at magagandang reviews dahil sa authenticity at relatability ng pelikula.
Ang ‘Monday First Screening’ ay higit pa sa isang pelikula; ito ay isang karanasan na nanghihikayat sa mga pamilya na magsama-sama – sama-samang tatawa, iiyak, kikiligin at lalabas sa sinehan na punong-puno ng pagmamahal at inspirasyon ang puso at second chances.
Kaya huwag palampasin ang pagkakataong maging bahagi ng journey na ito na nagbubuklod sa mga henerasyon at pagpapatatag sa samahan ng pamilya.